(NI BERNARD TAGUINOD)
KABILANG ang Pilipinas sa may pinakamalalang pension system sa mundo, base sa isang pag-aaral ng Australia-based na Monash Center for Financial Studies at professional services firm na Mercer.
Ito ang nabatid kay House deputy minority leader Carlos Zarate kaya dapat umanong bigyang pansin ng Duterte administration ang kalagayan ng mga senior citizens sa bansa.
“This is indeed very unfortunate and highlights the need for higher pensions for our senior citizens. The pensions of senior citizens here in the Philippines are almost at subhuman levels and should immediately be increased,” ani Zarate.
Base sa pag-aaral ng nasabing grupo aniya ngayong 2019, ang Pilipinas ang ika-34 sa 37 bansa samundo na may malalang pension system kaya isa ang mga Filipino retirees ang may malalang kalagayan.
“This study should be a wake-up call to the Duterte administration of the dreadful plight being ensured by our senior citizens and Pres.Duterte should certify our measures as urgent,” ani Zarate.
Hindi ito nakapagtataka aniya dahil simula noong 2010, ay hindi nagkaroon ng adjustment sa P500 kada buwan na social pension ng mga senior citizens lalo na ang mga mahihirap.
Maliban dito, naapektuhan din umano ang mga pensyonado nang ipatupad ang gobyerno ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law noong Enero 2018 na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo publiko.
154