CLOUD SEEDING SA PAMPANGA, BULACAN GAGAWIN NG DA

(NI ABBY MENDOZA)

PINAGHAHANDAAN na ng Department of Agriculture (DA) ang pagsasagawa ng cloud seeding operations sa Pampanga at Bulacan sa hangarin na mapataas ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay Agriculture  Secretary William Dar, anumang oras ay kanila nang sisimulan ang cloud seeding, target nito na mapataas ang water level ng tubig sa Angat Dam na syang nagsusuply ng 90% ng tubig sa mga residente ng Metro Manila.

Sa huling monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA)-Hydro-metrology division ay nasa 185.28 meters ang water level sa Angat Dam.

Sinabi ni Dar na maaga pa lamang ay dapat nang gawin ang cloud seeding upang magkaroon pa ng pag-uulan at maabot ang normal level ng dam upang may sapat na pangkuhaan ng supply ng tubig pagdating ng summer season.

Dahil sa kakapusan ng tubig sa Angat Dam ay nagpapatupad na ng water service interruption ang Maynilad at Manila Water, ang Manila Water ang syang nagsusuppy sa Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina,ilang bahagi ng Quezon City at Maynila at 14 na bayan sa Rizal Province habang ang Manila Water ay nagseserbisyo sa Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Manila, Navotas, Parañaque, Pasay at Quezon City.

Maliban sa Angat Dam ay nababawasan din ang tubig sa ilang dam sa bansa kabilang na ang La Mesa dam na nasa 77.34 meters gayundin sa Ipo, Ambuklao at Binga dams.

 

327

Related posts

Leave a Comment