MAHIGIT sa 22.8% ang itinaas ng kabuuang revenue collection ng Port of Subic mula Enero 1 hanggang Oktubre 25 ngayong taon.
Sa inilabas na pahayag ng Port of Subic nitong nakaraang Sabado, sinabi nitong nalagpasan nila ang kanilang target na P24.7 bilyon para sa taong 2019 matapos na makapagtala sila ng kabuuang P26.9 bilyon koleksyon nitong Oktubre 25.
Maging noong buwan ng Setyembre, sumobra rin ng P731 milyon ang kanilang koleksyon base sa pahayag ni Port of Subic District Collector Maritess Martin.
Malaking ambag ng pagtaas ng koleksyon ng Port of Subic ay ang imported goods na karamihan ay ang oil shipments at mga malalaking importers.
Malaking tulong din sa paglaki ng koleksyon ng Port of Subic ay ang implementasyon ng Tax Reform Law na nagpapatupad ng fuel excise tax at ang pagtaas ng exchange rate.
Ang Port of Subic ay isa sa nakatanggap ng pagkilala sa Top 20 Revenue Contributors para sa Third Quarter ng Taon.
Kaugnay nito, pangunahin pa ring tututukan ng Port of Subic ay ang paghahatid ng mabilis at tamang serbisyo sa pakikipag-ugnayan na rin sa mga stakeholder. (Boy Anacta)
130