P18.7-B KALIWA DAM TUTUTUKAN

Cong Nograles-Kaliwa Dam

Cong. Nograles: Gastos, batas at kalikasan protektahan

Tiniyak ni Rizal Rep. Fidel Nograles na babantayan nito ang pagtatayo ng P18.7 bilyon Kaliwa Dam upang masiguro na walang batas na malalabag at mapoprotektahan ang kalikasan.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Nograles sa harap na rin ng pagbibigay na ng go signal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa MeΒ­tropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) atΒ  China Energy Engineering Co. Limited na simulan na ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam project.

Matatandaan na si Nograles ay una nang nagΒ­hain ng House Resolution 309 sa Kamara na humihiΒ­ling na imbestigahan ang New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project (NCWS-KDP) at ang pagbiΒ­bigay ng kontrata sa China Energy Engineering Co. Limited, ayon sa mambabatas na nakakuha ito ng impormasyon na naigawad pa rin sa Chinese firm ang kontrata gayong kulang ang mga pre-qualification requirements nito.

Hindi man natuloy ang hangad na imbestigasyon ni Nograles ay siniguro naman nitong kanyang babantayan mula sa simula hanggang sa matapos ang proyekto para masiguro na magpapaΒ­tupad ang Chinese firm ng mga hakbang na hindi makaaapekto sa kapaligiran, sa kalusugan ng komunidad atΒ  kapakanan ng mga residente.

β€œDapat isaalang-alang ang kapakanan ng kapaligiran sa lahat ng mga gagawin at aspeto ng proyekto. Ang hindi pagsunod sa anuΒ­mang probisyon sa serΒ­tiΒ­pikong ito ay Β­magiging sapat na dahilan upang kanselahin at patawan ng multa na hindi lalampas sa P50,000 para sa lahat ng paglabag,” paliwanag ni Nograles.

Dagdag pa ni Nograles na hindi dapat na maging kampante ang Chinese firm dahil sa nabigyan na sila ng go-signal para ituloy ang proyekto, dahil bawat kilos nito ay kanyang imo-monitor at dapat ay naaayon sa itinatakda ng batas at sa napagkasunduang kasunduan.

Ilan umano sa babantaΒ­yan ni Nograles na hindi dapat malalabag alinsunod na rin sa nakapaloob sa permit ng Chinese firm ay ang pagtiyak na mapepreserba ang mga sagradong lugar at libingan ng mga katutubo;Β  gumawa ng maayos na hakbang para mapreserba at mapangalagaan ang Tinipak Spring at Tinipak White Rocks; magpatupad ng information campaign sa lugar na pagtatayuan ng proyekto; magsumite ng memorandums of agreement na kasama ang pagsang-ayon ng may kinaΒ­lamang local government units para sa social deveΒ­lopment programs at pagbibigay proteksyon sa mga cultural heritage ng Dumagat tribes; at pagsusulong ng integrated watershed management plan upang β€œtiyakin na ang itatayong istruktura ay matatag o matibay ang dam – na aΒ­linsunod sa international standard ang disenyo”.

776

Related posts

Leave a Comment