(NI DANG SAMSON-GARCIA)
INATASAN ni Senador Richard Gordon, chair ng Philippine Red Cross (PRC), ang lahat ng chapter nito na mag-mobilize at tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Kabilang sa mga inatasang tumulong ang PRC chapters sa South Cotabato, Cotabato City/Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, Davao Del Sur, General Santos, at Davao City.
Agad na nagpadala ang mga ito ng ambulansiya, rescue teams at emergency personnel sa mga apektadong lugar.
Nag-deploy na rin ng assessment teams sa mga lugar na tinamaan ng lindol upang i-monitor ang sitwasyon.
Ayon pa kay Gordon, umayuda rin ang mga tauhan ng PRC sa paglilikas ng mga pamilya sa Cotabato City habang inilatag na ang mobile first aid at welfare desks sa North Cotabato at Sultan Kudarat.
Sa mga lugar naman anya na walang suplay ng tubig at kuryente, nag-deploy ang PRC ng medical tents na may generators para sa mga nasaktan at water bladders at filtration units para sa komunidad na nangangailangan.
“The Red Cross is preparing to support local Health facilities that do not have power or running water in places such as South Cotabato, Sultan Kudarat, General Santos and Notth Cotabato. Payloaders and equipment for clearing of collapsed buildings, include search and rescue teams from other parts of the country are also on standby for requests for assistance,” pagtitiyak ni Gordon.
187