(NI ABBY MENDOZA)
INAMIN ni Agriculture Secretary William Dar na ang illegal na importation ng pork products galing China ang syang dahilan kung bakit mabilis ang naging pagkalat ng ASF virus sa bansa.
Ang smuggled meat na nakumpiska umano noong nakaraang buwan ay nagpositibo sa ASF at maaari na may mga smuggled na nakalusot na syang sanhi ng pagkalat na ng virus.
“That concludes really that this has been introduced by bringing it here, smuggling it here, introducing it here,” pahayag ni Dar.
Matatandaan na ilang refrigerated container vans na puno ng pork products mula sa China ang naharang sa Port of Manila, unang nakalista na tomato paste at vermicelli ang laman nito subalit nang suriin ay mga dimsum, dumplings, peking duck, fresh frozen duck deserts, pork meat at pork products, marinated chicken wings, minced vegetables na may karne, itlog at mga noodles.
Nilinaw naman ng DoH na patuloy ang kanilang ginagawang monitor sa mga pork products subalit walang dapat na ipangamba ang publiko dahil hindi human health concern ang ASF.
235