(NI NOEL ABUEL)
BINIGYANG-diin ni Senador Christopher Bong Go na tao lang si Pangulong Rodrigo Duterte at kailangan ng pahinga kasunod ng ibinigay na tatlong araw na ‘rest’ sa kanyan gbahay sa Davao City.
Sinabi ni Go na mas pinili ng Pangulo na magpahinga muna ng 3 araw sa Davao City dahil itinuturing nitong itong comfort zone kung saan siya nakakatulog nang mahimbing.
Sa kabila nito, sinabi ni Go na bagama’t pinagpapahinga ang Pangulo ay hindi pa rin ito tumitigil sa mga paper works.
Sa katunayan aniya ay nakatakda silang magtungo ng Pangulo sa darating na araw ng Biyernes sa North Cotabato para makapulong ang mga magsasaka hinggil sa kanilang mga hinaing.
Kinumpirma rin ni Go na patuloy ang communication nina Pangulong Duterte at Chairman Nur Misuari para sa binubuong Peace Coordinating Committee sa pagitan ng gobyerno ng ng Moro National Liberation Front.
135