(NI ROSE PULGAR)
NASA 54 kilos na iba’t ibang uri ng karne ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) mula sa mga pasaherong galing sa ibang bansa na magkasunod na dumating Martes ng hapon at Miyerkoles ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City.
Kabilang sa mga nakumpiska ng BOC at Bureau of Animal Industry ang 18.5 kgs chicken meat 19 kgs pork meat, 12.5 kgs duck meat, 4 kgs beef meat.
Lumalabas sa report, naunang nakumpiska ng mga awtoridad ang mga iba’t ibang uri ng karne dakong alas-4:00 ng Martes at sumunod ng alas-8:00 Miyerkolesng umaga.
Sa ulat, ang mga naturang meat product ay galing sa Xiamen, Guang zhu, Malaysia, Narita Japan, at Jingjang,
Agad naman nai-turn over ng awtoridad ang mga naturang meat product sa Bureau of Quarantine ng BAI sa NAIA para sa disposal ng mga nasabing produkto.
Ayon kay NAIA BAI Quarantine Service Dr. Reynaldo Quilang, patuloy pa rin ang kanilang pagkumpiska sa mga karneng galing sa ibang bansa kung saan naunang napaulat na nanggaling ang sakit ng African Swine Fever (ASF).
Sinabi pa ni Quilang na hindi lamang sila naka focus sa meat product, maging sa mga footbath na dinadaanan ng mga pasahero pagbaba ng eroplano ay mini-maintain din nilang mag spray ng gamot upang mapuksa ang anumang uri ng virus na posebling dala ng mga pasahero galing sa mga bansang apektado ng ASF.
178