PONDO SA MGA BAGONG BATAS TINIYAK

(NI DANG SAMSON GARCIA)

TINIYAK ni Senador Sonny Angara na mabibigyan ng sapat na pondo sa susunod na taon ang mga bagong batas na inaprubahan ng Kongreso at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aminado si Angara, chair ng Senate Committee on Finance, na walang saysay ang mga bagong batas kung hindi naman ito mabibigyan ng sapat na pondo para sa implementasyon.

Kabilang na rito ang Republic Act 11194 o Conservation of the Gabaldon School Buildings Act  na nilagdaan ng Pangulo noong Enero.

Sa ilalim ng 2020 General Appropriations Bill, naglaan ang Senado ng P616 million para sa implementasyon ng bagong batas at inilagay ito sa Department of Education.

“These structures are considered part of Filipino heritage. They represent the roots of the public school system in the country. We must strive to preserve these buildings for the next generations to see and appreciate,” paliwanag ni Angara.

Nabatid na nasa 3,000 Gabaldon school buildings ang ipinatayo noong panahon ng mga Amerikano sa bansa at sa ngayon ay nasa 1,400 ang patuloy na  nakatayo.

Idinagdag pa ni Angara na naglaan din sila ng P1 bilyon para sa Republic Act 11230 o Tulong Trabaho Act na nilagdaan noong Pebrero.

Alisunod sa batas, magbibigay ang Technical Education and Skills Development Authority ng libreng Technical Vocational Education and Training (TVET) sa mga out-of-school youth at unemployed.

“Daan-daan, kung hindi libu-libo na, ang nagtagumpay sa tulong ng TESDA kaya nararapat lang natin na suportahan ang batas na ito,” diin ni Angara.

Kasama rin sa pinondohan ang Republic Act 11459 o Judges-at-Large Act that na pinirmahan noong Agosto.

Ang P2.5 bilyong pondo ay gagamitin sa 50 new judges-at-large positions kasama ang 30 sa regional trial courts at 20 sa metropolitan trial courts.

“Justice delayed is justice denied so when we introduced this measure in the 17th Congress, our aim was to help clear up the court dockets by providing more judges to hear the cases,” giit ni Angara.

Naglaan din sila ng pondo para sa National Economic and Development Authority na laan naman sa pagbalangkas ng Innovation Fund sa ilalim ng Republic Act 11293 o Philippine Innovation Act.

Hinihikayat sa batas ang promosyon ng technological advancement upang palakasin ang competitiveness ng ekonomiya sa pamamagitan ng micro, small at medium enterprises.

Suportado rin ng pondo ang pagpapatupad ng Republic Act 11036 o Mental Health Act na nilagdaan noong June 2018 para sa pagkakaroon ng mental health hotline.

 

294

Related posts

Leave a Comment