FOOD CRISIS ‘PAG PINATIGIL ANG RICE TARIFF LAW – DU30

(NI CHRISTIAN DALE)

MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng food crisis kapag ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang implementasyon ng Rice Tariffication Law.

Iginiit ng Punong Ehekutibo na kapag ipinawalang bisa niya ang batas ay posibleng magresulta ito ng food crisis.
Nauna nang humingi ng paumanhin ang Pangulo sa mga lokal na magsasaka dahil sa pagbulusok ng presyo ng palay.

Sa kabilang dako, nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na hindi nila maaaring ihinto agad ang importasyon ng bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law.

Ito ang tugon ng DA kasunod ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na ititigil ng pamahalaan ang rice importation para bigyang daan ang panahon ng anihan ng mga lokal na magsasakang apektado ng mababang farm gate price.

Ayon kay Agriculture spokesperson Asec. Noel Reyes kailangan munang amyendahan ang batas ng rice tariffication, o di kaya’y maglabas ng direktang utos ang Pangulo hinggil sa plano nito.

Una ng sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez na hindi ikokonsidera ng gobyerno ang suspensyon ng batas lalo na’t wala pang isang taon mula nang lagdaan ito.

Para sa DA, posibleng nais lang ng pangulo na bawasan ang importasyon ng bigas sa panahon ng anihan.
Batay sa huling datos ng Agriculture department, naglalaro sa P12 hanggang P13 kada kilo ang farm gate price ng sariwang palay.

Habang P16 kada kilo ang tuyong palay.

Sa nakalipas naman na linggo, bumaba na sa 80,000 metric ton ang pumasok na imported rice bansa mula sa 200,000 metric ton noong mga nagdaang buwan.

405

Related posts

Leave a Comment