(NI ABBY MENDOZA)
ISANG bagyo ang papasok sa bansa kasabay ng hosting ng bansa ng SEA Games, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon sa Pagasa ang bagyo na may international name na Kammuri ay nasa labas pa ng bansa.
Namataan ito sa layong 1,755 km sa Silangang Visayas, taglay ang lakas ng hangin na 85 kph, bugso na 105 kph at kumikilos sa bilis na 25kph.
Sinabi ni Pagasa forecaster Raymond Ordinario na maaari pang madagdagan ang pwersa ng hangin na dala ng bagyo habang papalapit ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Inaasahang papasok ang bagyo sa PAR sa araw ng Linggo o Lunes ng umaga at bibigyan ng local name na ‘Tisoy’.
Hindi pa batid ng Pagasa kung uulanin ang SEA Games parade na gaganapin sa Sabado sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan subalit asahan na magkakaroon ng pag-uulan simula araw ng Linggo.
192