(NI DANG SAMSON-GARCIA)
MISTULANG hinikayat ni Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang pamahalaan na pag-aralang mabuti ang pagharang sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation.
Sinabi ni Pacquiao na maraming dapat ikunsidera lalo na ang libu-libong manggagawa na mawawalan ng trabaho.
“Aaralin nating mabuti ‘yan kasi marami ring ikunsidera na mawawalan ng trabaho,” saad ni Pacquiao.
Kailangan aniya munang mapatunayan na may paglabag ang kumpanya bago ito ipasara pero kung hindi naman nararapat ay irerekomenda niya sa Pangulo na pag-isipang mabuti ang hakbangin.
“Pag-aralan nating mabuti kung kailangang ipasara, isara. Kung hindi naman nararapat, we can suggest to the President,” dagdag ni Pacman.
Aminado ang senador na kailangang timbangin ang lahat ng mga bagay lalo ang kapakanan ng mas nakararami.
“Kaya nga timbangin nating lahat. Ikunsidera rin na ilang libong tao ang mawawalan ng trabaho,”diin pa nito.
179