PAG-VETO SA 2020 BUDGET HINILING KAY PDU30

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINILING ng Makabayan bloc kay Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan muna ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion matapos ibunyag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na umaabot sa mahigit P90 Billion na  ‘pork barrel’  ang nailusot dito at kung kinakailangan ay dapat aniya itong i-veto.

Ginawa ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang nasabing hamon matapos ratipikahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang 2020 national budget at nakatakdang dalhin na ito sa Office of the President para lagdaan ng Pangulo.

“Ang hamon namin sa Malacanang mismo ito, kung totoo man ito (alegasyon ni Lacson) ay iveto ito,” ani Zarate dahil posibleng may mga serbisyo publiko ang naapektuhan o nabawasan ang pondo para pondohan ang mga pet project umano ng ilang mambabatas.

Sa alegasyon ni Lacson, kabilang sa mahigit P90 Billion ang P83 Billion na inilaan sa flood control projects na hindi umano nakadetalye sa inaprubahang national budget kaya itinuturing ito ng senador na “pork barrel”.

Magugunita na nai-veto ni Duterte ang 2019 national budget matapos mabunyag na umaabot sa P95 Billion ang isiningit na pork barrel ng mga Kongreso noong panahon ni dating House speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Inamin ng mambabatas na wala silang panahon na mabusisi ang bicameral conference committee report sa national budget bago ito niratipikahan noong Miyerkoles ng hapon dahil ibinigay umano sa kanila ang kopya 10 minuto bago ito isinalang sa ratipikasyon.

“Naku, siguro 10 minutes lang bago naratipikahan,” ani Zarate nang tanungin kung ilang oras nilang pinag-aralan ang kopya ng bicameral conference committee report sa pambansang pondo.

 

182

Related posts

Leave a Comment