UMAABOT na sa 105 at inaasahang tataas pa ang bilang ng mga bangkay na nakuha sa mga pagguho at pagbaha habang 20 ang iniulat na nawawala,ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Bicol. Nagpapatuloy naman ngayon ang retrieval operations sa 16 iba pa na natabunan sa barangay Patitinan.
Sa Tiwi, Albay, umaabot sa 14 bangkay ang kinilala habang tatlo pa ang nawawala. Labing isa naman ang bangkay na nakilala na sa Buhi, Camarines Sur habang umaabot sa 12 ang bilang ng mga biktima.
MASS BURIAL
Noong Miyerkules ay isinagawa ang mass burial sa mga biktima sa Buhi Catholic Cemetery kung saan ang mga biktima ay pawang indigenous people ng Mt. Iraya, Agta. Kabilang din sa mga naitalang patay ang tatlo sa Legazpi City at Libon, isa sa Albay; dalawa sa Bulan at anim sa Sorsogon City; tatlo sa Lagonoy, lima sa Baao, Garchitorena, dalawa, Tinambac, lima, at isa sa Caramoan,Camarines Sur; Basud, apat, Jose Panganiban, anim, Labo, apat at isa sa Vinzons , Camarines Norte; Claveria, tatlo, Mobo, tatlo at isa sa Uson sa Masbate.
Patuloy pa ring suspendito ang mga klase sa mga apektadong lugar.
201