56 OPTIONAL RETIREMENT AGE PINAGTIBAY NA SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA)

APRUBADO na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong maibaba sa 56 taong gulang ang optional retirement age sa gobyerno mula sa kasalukuyang 60 anyos.

Sa botong 192 pabor at walang pagtutol, lusot na ang  House Bill 5509.

Aamyendahan nito ang  Section 13 ng Republic Act 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997

Layunin ng panukala na ma-enjoy ng mas maaga ng mga retiradong empleyado ang kanilang buhay kasama ang pamilya dahil sa maagang pagreretiro.

Hangarin din ng panukala na gawing mabilis ang turnover ng mga posisyon sa pamahalaan para mabigyang pagkakataon ang mga batang professionals na makahawak din sa mga matataas na pwesto.

Kung ibababa sa 56 ang retirement age ng mga kawani ng gobyerno, magkakaroon din ng mas maraming employment opportunities sa mga nais na magtrabaho sa pamahalaan.

Sa kabilang banda ay itinatakda pa rin sa 65 taong gulang ang mandatory retirement age ng mga kawani ng pamahalaan.

“This bodes well for the families of our retirees as well, as our retirees have more time to spend with their loved ones in relative comfort. Our retirees and their families will enjoy the fruits of decades’ worth of labor and will lessen the burden on the family’s spending,” paliwanag ni Ako Bicol Rep Alfredo Garbin,isa sa may akda ng panukala.

 

181

Related posts

Leave a Comment