DAGDAG-SAHOD SA TAGA-GOBYERNO APRUB NA SA KAMARA

gov1

(NI JEDI PIA REYES)

LUSOT na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang ika-limang Salary Standardization Law na layong itaas ang sahod ng mga taga-gobyerno kabilang ang mga pampublikong guro at nurse sa taong 2020.

Sa botong 187 na pabor na mga mambabatas at lima ang tutol, aprubado na ang House Bill 5712 na nagtatakda ng 23.24 % overall average na pay hike sa mga government personnel.

Mabilis na napagtibay ang panukalang dagdag-sahod matapos na sertipikahan itong urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nauna na ring naaprubahan sa Senado ang bersyon nito ng panukala.

Sa ilalim ng House Bill 5712, ang mga Salary Grade 1 employee ay makatatanggap ng P2,000 dagdag sa sweldo o P500 kada taon simula taong 2020 hanggang 2023. Ibig sabihin, ang dating sumasahod ng P11,000 ay magiging P13,000 sa taong 2023.

Ang basic salary ng public teachers (Teacher 1) ay tataas ng P27,000 matapos ang apat na taon mula sa kasalukuyang P20,754 kada buwan.

Aabot sa P34 bilyon ang inilaang pondo sa ilalim ng Miscellaneous Personnel Benefits Fund ng 2020 national budget para sa pagpapatupad ng SSL V.

Hindi naman sakop ng salary adjustments sa susunod na taon ang mga uniformed personnel at mga mambabatas na nagpatibay ng panukala.

155

Related posts

Leave a Comment