DIPLOMATIC CRISIS SA PAGITAN NG PINAS, US, PINANGANGAMBAHAN

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mauwi sa diplomatic crisis ang bangayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa kaso ni Sen. Leila de Lima.

“Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez should work double time to avoid a diplomatic crisis with the US,” ani Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.

Ang pahayag ni Defensor ay kasunod ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na obligahin ang mga Amerikano na kumuha ng visa sa Pilipinas bago sila US kapag itinuloy ng mga ito ang pagban sa kaniyang grupo na makapasok sa nasabing bansa.

Sa ngayon ay walang visa ang mga Amerika kapag pumunta sa Pilipinas habang kailangan naman ng mga Filipino ang nasabing dokumento para makapasok sa nasabing bansa.

Bukod kay Duterte, kabilang sa mga ipinapa-ban sa Amerika ay sina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, Presidential spokesperson Salvador Panelo, Solicitor General Jose Calida, dating House Speaker Pantaleon Alvarez, dating Cong, Rudy Farinas at Cong. Reynaldo Umali, mga blogger na sina Mocha Uson at ibapa na nagkaroon ng papel sa pagpapakulong kay De Lima.

“It is his (Ambassador Romualdez)  role to reach out to the US Government, the Senate included, to explain the circumstances that led to the detention of Sen. De Lima and other human rights issues being raised by the US government,” ani Defensor.

“While we deplore the interference of the US Govt on the internal affairs of the nation , which at this stage involves not only the executive but the judiciary, it is also incumbent upon us to explain the situation in the Philippines,” dagdag pa ng mambabatas.

Naniniwala si Defensor na kung maipapaliwanag ng maayos sa Amerika, United Nation (UN) ang iba pang international body ang pagkakasangkot ni De Lima sa ilegal na droga na naging dahilan para ito ay makulong ay mauunawaan nila ito at maiwasang magkaroon ng diplomatic crisis sa pagitan ng dalawang bansa.

144

Related posts

Leave a Comment