2 TINUTUTUKAN SA COTABATO BLAST

cotabato

DALAWA katao ang minamanmanan ngayon ng pulisya sa naganap na pagsabog sa South Seas Mall sa Cotabato City noong Bisperas ng Bagong Taon kung saan dalawa ang nasawi at mahigit 30 ang sugatan.

Nakipag-ugnayan na si Capt.Arvin Encinas, spokesperson ng 6th Infantry Division kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana para sa isasagawang joint investigation sa kaso na sinasabing trabaho ng local ISIS group.

Ang bomba, ayon kay Encinas, ay gawa sa plastic containter na may ‘improvised electric blastic cap — nine-volt battery at concrete nails — na nakadikit sa cellphone na may sim card at pinasabog bandang ala1:49 ng hapon noong December 31, sa harap ng mall entrance.

Mahigpit na kinondena ng iba’t ibang sektor, maging ni Pangulong Duterte, ang pambobomba at itinuturing na ‘act of terror’ ang insidente.

127

Related posts

Leave a Comment