15 OLONGAPO CITY GOV’T EMPLOYEES POSITIBO SA DROGA

drugs200

(NI JG TUMBADO)

NASA 15 empleyado mula sa iba’t ibang sangay ng Olongapo City government ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.
Ito ang pagsisiwalat ni City acting Mayor Dr. Lugie Lipumano kasunod ng inilabas na mandatory drug test sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) sa lahat ng kawani nito.
Ayon kay Lipumano, bagamat nagpositibo ang mga ito sa drug test ay kinakailangan pa umanong isalang sa confirmatory test sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame bago ilabas ang opisyal na resulta.
Ang mga regular na empleyado na kasama sa resulta ng pagsusuri ay isasailalim sa anim na  buwan na suspensyon habang kasabay ng kanilang rehabilitasyon habang ang mga job order at contract of service personnel ay awtomatikong tanggal sa kani-kanilang trabaho.
Una nang naisalang sa drug test ang mga kawani mula sa Environment Service Management Office (ESMO), Engineering Office, City Health Office, Market Office at Traffic Management and Public Safety Office (TMPSO). Sinimulan ang drug testing sa City Hall employees nitong nakaraang buwan ng Disyembre 2018.

446

Related posts

Leave a Comment