MAHIGPIT ang paalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na nagnanais pumunta sa South Korea na sumunod sa batas doon na nagbabawal sa pagdadala ng animal at livestock products.
Ayon sa DFA, mayroong malaking multa at pagbabawalan na muling makapasok sa South Korea ang sinumang mahuhuling lalabag sa nasabing batas.
Ipinag-uutos din ng Embahada ng Pilipinas na agad dalhin upang ideklara ang mga dalang animal at livestock products sa quarantine office sa port of entry para hindi maharap sa multang 10 million Korean Won o mahigit P430,000.
Magugunitang nitong Oktubre ng nakaraang taon ay isang biyahero ang hindi nagdeklara ng dalang pork sausage sa port of entry ang pinagbayad ng KRW 5 milyon at pinatawan ng limang taong ban sa pagbiyahe sa South Korea.
Ginawa ng South Korea ang paghihigpit sa pagsisikap na maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit ng mga hayop galing sa ibang bansa sa kanilang industriya. DAVE MEDINA
142