BIOPIC NI MOTHER LILY GAGAMPANAN NI JUDY ANN SANTOS

lolitExcited na ako sa pagsisimula ng shooting ng life story ni Mother Lily . Bongga din na si Judy Ann Santos ang gaganap sa role niya dahil halos lumaki na si Juday sa bakuran ng Regal Films. Exciting ang buhay ni Mother Lily at talaga naman icon siya at karapat-dapat na gawin pelikula ang lifestory niya noh. At isa pang exciting iyon dami ng mga star na gugustuhin talaga na makita sa gagawin pelikula. Name the star, any star, at sure ako nagkaroon siya ng bahagi sa buhay ni Mother Lily Monteverde. Kaya nga, wow na wow talaga. At heto na, mag-uumpisa na. Tignan natin ang portrayal ni Judy Ann Santos as Mother Lily, bongga talaga.

SALUTE TO OUR MEN IN UNIFORM

Siguro  ang mga pulis, militar at volunteers ng Taal ang dapat pasalamatan nang malaki. Kung titingnan mo iyon lumalabas sa TV na mga balita kung saan iyon galit ng mga tao sa mga nagaganap ay sa mga bantay na pulis at militar nila ibinubunton. Sinisigawan, nakikipagtalo, at kung minsan nga ay minumura pa, pero ang haba ng pasensiya ng mga pulis. Hindi mo rin naman masisi ang mga tao na gustong tingnan ang mga bahay nila, check mga alagang hayup, at siguro mainip dahil nga sa discomfort ng evacuation center. Matagal na rin kasi ang stay nila at naiisip nila na OK na dahil huminto na ang buga, at iyon mga Phivolcs official lang ang puwede makaalam ng tunay na sitwasyon. Pero hanga ako sa mga nagbabantay na pulis, militar at volunteers, dahil sila din nasa panganib ang buhay, sila din inip at pagod na, sila din gusto umuwi sa mga bahay nila pero nandun pa rin sila at nagbabantay, tinitingnan ang kaligtasan ng lahat. Salute to our men in uniform. Double salute.

THANKS FOR THE JOB WELL DONE

Chair Liza Dino-Rachel ArenasNakakatawa talaga  pag meron presscon ang mga bagets nating cabinet members. Kasi nga, mga young at young at heart kaya sarap kuwentuhan pag sila Chair Liza Dino at Rachel Arenas ang nagmi-meet the press. Like dun sa chitchat time natin with chair Rachel Arenas na talaga naman panay tawanan at kuwentuhan lang ang gusto ni chair Rachel at ayaw ng interview pero pinilit pa rin natin at nakakatuwa na hindi niya alam na video na pala ng mga cellphone ang ginagamit, hah hah eh napaka-straight forward pa naman magsalita ni Chair Rachel kaya hayun ang daming sound bites na nakuha sa kanya. Katuwa kasi nga pag young ang cabinet member, hindi naiilang ang press, hindi nai-intimidate, free flowing ang discussion at natatanong lahat ng gusto mo

malaman. Hay naku, sana lagi may meet the press na taga-gobyerno. Mas mabuti kasi direct from them ang usapan, mas open mas madali. Thanks Chair Rachel Arenas for the job well done.

199

Related posts

Leave a Comment