SULU PABOR SA FEDERALISM

sulu

(NI AL JACINTO)

SULU – Dinagsa kahapon ng libu-libong mga Tausug ang sentro ng Sulu province kung saan ginanap kahapon ang isang malaking rally para sa isinusulong na federal government ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinangunahan nina Sulu Gov. Toto Tan at amang si ex-Gov. Sakur Tan – na pawang mga Duterte allies sa Mindanao – ang malaking rally sa bayan ng Jolo.

Naroon din ang mga miyembro ng pro-Duterte group na Kilusang Pagbabago, at mga alkalde ng Sulu.

Alas-6:00 pa lang ng umaga ay nagsidatingan na ang maraming mga Tausug mula sa ibat ibang bayan upang makinig sa sasabihin ng mga pro-Duterte advocates ukol sa federallism at kahalagahan nito sa Sulu, isa sa limang lalawigan sa  Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Naroon rin at nagbigay ng mahabang salita si Wedzmar Abdurajak, ang executive assistant ni presidential daughter at Davao Mayor Sara Duterte. Pinasalamatan nito ang mga organizers ng rally at mga Tausug na patuloy sumusuporta kay Duterte.

Nakatakdang bumoto ang mga Muslim ngayon buwan at sa Pebrero para sa kontrobersayl na Bangsamoro Organic Law o BOL, na kungpapasa sa plebisito, ay siyang ipapalit sa ARMM.

 

 

 

205

Related posts

Leave a Comment