PSC PROGRAMS KANSELADO RIN

DAHIL pa rin sa pangamba sa Novel Corona Virus-Acute Respiratory Disease (NCOV-ARD), kinansela na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang halos lahat ng mga nakatakdang programa nito ngayong taon.

Sa emergency meeting na ipinatawag ng PSC, nagkasundo ang Executive Board sa pangunguna ni Chairman William “Butch” Ramirez, kasama sina Commissioner Ramon Fernandez, Charles Raymond Maxey at Arnold Agustin, na i-postpone ang halos lahat ng mga nakatakdang programa nito para sa taong 2020.

Kabilang sa mga naka-iskedyul na events ng PSC ang National Sports Summit at Philippine National Games, at maging mga seminar ng komisyon.

Iginiit ng PSC na ang kanilang desisyon ay base na rin sa direktiba ng Palasyo para maiwasan ang pagkalat ng NCoV.

“I was in conversation with my immediate superior, the President, and was advised to make the necessary moves to prevent the virus from spreading so we are postponing the PNG, the national summit and all our children’s games,” pagsisiwalat ni Ramirez.

Maging ilang international events gaya ng Asia Ocenia Olympic boxing qualifier, na gaganapin sana ngayong buwan sa Wuhan, China ay inilipat na sa Marso sa Amman, Jordan.

Malamang din na malipat ang taekwondo Olympic qualifier sa Wuxi, China sa Abril.

Kanselado na rin ang women’s football’s Olympic qualifier sa Nanjing, women’s basketball Olympic qualifier sa Foshan, Asian Indoor Athletics Championship sa Hangzhou at cycling’s Tour of Hainan.
Samantala, tuloy ang Palarong Pambansa, sa Mayo sa Marikina, ayon sa Department of Education.  (ANN ENCARNACION)

173

Related posts

Leave a Comment