2 PNP OFFICERS SA EURO GENERALS SCANDAL ABSWELTO

pnp12

IBINASURA ng Sandiganbayan ang kasong paglabag sa Revised Penal Code laban sa dalawang dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na may kaugnayan sa 2008 Euro generals scandal.

Ito umano ay bunga ng kasalatan sa matibay na ebidensiya ng tagausig.

Sa ibinabang desisyon ng anti-graft court, nabigo ang prosekusyon na mapatunayang nagkasala nang walang duda sina dating PNP comptroller Eliseo Dela Paz at Romeo Tapucar Ricardo na dating direktor ng PNP Directorate for Plans.

Nag-ugat ang reklamo sa dalawa nang akusahan si Dela Paz nang pag-abuso sa kanyang posisyon matapos dumalo sa apat na araw na General Assembly ng INTERPOL mula October 7 hanggang 11, 2008.

Sinasabing nakipagsabwatan umano ito kay Ricardo para irekomenda kay dating PNP chief Avelino Razon ang pagkakasama ni Dela Paz sa delegasyon gayong paretiro na ito.

Pero lumalabas na hindi nilabag ni Dela Paz ang batas dahil October 9 ng parehong taon siya umabot sa compulsary retirement ng PNP na 56-years old.

Sinabi pa na inaprubahan ni dating Interior Sec. Ronaldo Puno at Razon ang travel order ni Dela Paz. JESSE KABEL

387

Related posts

Leave a Comment