(NI NOEL ABUEL)
PINAGPAPALIWANAG ni Senadora Grace Poe ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa plano nitong isara ang Estrella-Pantaleon Bridge na nag-uugnay sa lungsod ng Mandaluyong at Makati. Ayon sa senadora, base sa nakarating na reklamo mula sa mga gumagamit ng nasabing tulay ay wala namang nakikita problema rito kung kaya’t nakakapagtaka umano kung bakit kailangan itong isaayos at isara sa darating na Enero 19.
Apela pa nito sa gobyerno na pag-aralang mabuti ang merito ng gagawing pagbabago sa Rockwell bridge sa kabila ng nasa maayos pa itong kondisyon sa kasalukuyan at kung itutuloy ang plano ng DPWH ay maaapektuhan na nasa 500,000 katao na gumagamit na Makati-Mandaluyong bridge.
Aniya, walang epektibong traffic mitigation plan sa loob ng 30-buwan na ang P1.3B halaga ng tulay na nasa Pasig River na itatayo ng Chinese contractor.
“China Communications and Construction Corp. was also banned by the World Bank in 2009 for anomalies related to several multi-billion-peso Philippine road projects it had funded,” sabi ni Poe.
“This is a case of a bridge we may not need, whose construction will inconvenience many for a long time, and is being built by a company who after being banned by the World Bank for bungling a road project here became part of the massive land reclamation in the West Philippine Sea,” dagdag pa nito.
Giit pa ng senadora na walang alternatibong daanan na inilabas ang DPWH habang ginagawa ang bagong tulay kung kaya’t asahan na maaapektuhan ang mahigit sa 100,000 motorista na dumadaan kada araw sa nasabing tulay kung saan magmimistulang parking lot na ang kahabaan ng Epidanio delos Santos Avenue (EDSA).
“Hindi naman po tayo anti-development. Ang gusto lang natin maayos at hindi makakasama sa atin. ‘Yung hindi donor-driven, may people’s consultation, at sapat ang feasibility study,” sabi ni Poe.
256