DOLE NAMAHAGI NA NG P5-K CASH ASSISTANCE

SINIMULAN nang ipamigay kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang ipinangakong limang libong pisong (P5K) tulong sa mga manggagawang
apektado ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Kabilang sa mga nabahaginan ng tulong pinansiyal ang mga empleyado na hindi nakapagtatrabaho ngayong ipinatutupad ang ehanced community quarantine.

Ang tulong pangkabuhayan ay para sa displaced unprivileged workers.
Ayon pa sa Dole, makakukuha ng P5K cash assistance ang mga manggagawang kabilang sa payroll na pinasa ng kanilang mga employer sa DOLE.

Layunin ng DOLE sa kanilang programa na mabigyan ng ayuda ang mga ordinaryong manggagawa mula sa National Capital Region (NCR) at Luzon na hindi makapagtrabaho.

Matatandaan kamakailan ay nanawagan din si Pangulong Duterte sa ilang kumpanya na ibigay na sa kanilang mga manggagawa ang sweldo at kalahati ng kanilang 13th month
pay para sa taong ito.

Kinumpirma naman ng ilang manggagawa na natanggap na nila ang kanilang mga benepisyo kahapon.

Dahil dito, dinagsa ng mga manggagawa ang ilang ATM booth sa Metro Manila kaya nagkaroon ng mahahabang  pila. JOEL O. AMONGO 

135

Related posts

Leave a Comment