Mabusising pagtugon sa COVID-19 kinakailangan WE HEAL AS ONE – REP. NOGRALES

KINAKAILANGAN nang ipasa ang “We Heal as One Act of 2020” upang mapigilan ang patuloy na lumalalang epekto ng novel coronavirus sa bansa.
Ito ang pahayag ni Rizal 2nd Dstrict Rep. Fidel Nograles sa idinaos na special

session nitong Lunes sa Kamara upang talakayin ang panukala.

“Kailangan na maging mabusisi tayo tungkol dito. Kulang tayo sa paghahanda.

Inaasahan natin na ang panukalang batas na ito ay makatutulong para matugunan natin nang maayos ang krisis na ito,” ayon sa bagitong mambabatas.

Ang House Bill 6616 ay naglalayong ideklara ang state of national emergency at magbigay ng ilang espesyal na kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte upang labanan ang pagkalat ng virus.

“Sa puntong ito, napakahalaga na bigyan ng kapangyarihan ang Executive branch upang kumilos at gumawa ng pagpapasya partikular sa pag-redirect ng mga hindi ginagamit na programa at savings mula sa national budget at paglalaan na lang nito sa ating pagtugon sa COVID-19,” ayon kay Nograles.

Ang Pangulo ay bibigyan din ng kapangyarihan upang idirekta ang operasyon ng privately-owned hospitals, medical and health facilities, hotels at iba pang katulad na mga establisimyento upang matirhan ng health workers, magsilbing quarantine areas, medical relief and aid distribution centers; pati na rin ang pampublikong transportasyon na magdadala sa mga frontline personnel.

Kasabay nito, nagpahayag ng pangamba si Nograles na ang emergency powers na ipagkakaloob sa pangulo ay maaaring magamit sa pang-aabuso.

“Naniniwala ako na ang dalawang Kapulungan ng Kongreso ay titiyakin na ang panukala ay naaayon sa Saligang Batas, walang legal infirmities, at hindi maaapakan ang mga karapatan ng iba.

Naglagay din tayo ng mekanismo na magsisilbing garantiya laban dito sa porma ng Oversight Committee,” saad pa ng abogadong nagsanay sa Harvard.

Ang iminungkahing panukala ay magbibigay-daan para sa paglikha ng isang Oversight Committee kung saan ang Pangulo ay magsusumite ng buwanang ulat sa loob ng unang sampung araw kada buwan. Ang Oversight Committee ang tutukoy kung ang mga hakbang,

atas, mga patakaran at regulasyon ay sumusunod sa mga probisyon ng batas. Idinagdag nito na dahil sa laganap na paggamit ng social media, tiyak na ang mga

tao mismo ang magsasabi o maaaring pumuna ukol sa eksaktong pananagutan ng pamahalaan.

Ipinunto ng mambabatas na sa social media “ay sigurado na ang lahat ng uri ng pang-aabuso ay hindi nakaliligtas sa paningin ng tao. Mas madali nang mag-report, mas madaling maipaalam sa taumbayan.” SAKSI NEWS TEAM

149

Related posts

Leave a Comment