UNANG COVID-19 CASE SA CALAMBA NAITALA, 2 NAMAN SA SAN PEDRO

LAGUNA-Nakapagtala na ng unang kaso ng coronavirus disease 2019 ang lungsod ng Calamba.

Ang pasyente ay isang lalaki na edad 45 at nagmula sa Barangay Canlubang. Isa siyang asymptomatic o hindi kinakitaan ng sintomas at may travel history sa ibang bansa.

Sa huling ulat, mayroon nang 85 persons under investigation o PUIs ang lungsod at 1,313 persons under monitoring (PUMs).

Pinaalalahanan ni Mayor Justin Chipeco ang mamamayan ng Calamba na sumunod sa mga patakaran ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil walang sinisino ang nakakamatay na sakit.

Samantala, tinutunton na ng mga awtoridad ang mga huling nakasalamuha ni Judge Virgilio Gesmundo bago ito pumanaw dahil umano sa COVID-19.

Sa lungsod naman ng San Pedro, dalawang kaso ng COVID-19 ang naitala.

Iniulat mismo ni Mayor Lourdes Cataquiz, ang dalawang kaso nitong Miyerkoles, March 25 kung saan ang mga pasyente ay isang 71-anyos na babae at isang 52-anyos na lalaki. Ginagamot ang mga ito sa magkahiwalay na ospital sa labas ng San Pedro. CYRILL QUILO

371

Related posts

Leave a Comment