Naka-home quarantine, wala sa ospital BBM TINIYAK NA MAAYOS ANG KALAGAYAN

BONGBONG MARCOS-3

INIHAYAG ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gumaganda ang kanyang pakiramdam at kasalukuyang sumasailalim sa self-quarantine sa kanyang
tahanan.

Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Marcos na masyado siyang nasiyahan at nagulat sa dami ng nag-aalala sa kanyang kondisyon pero tiniyak na walang dapat ipag-alala ang lahat dahil bumubuti ang kanyang kalagayan, taliwas sa kumakalat na balita.

“I am deeply touched and overwhelmed by your concern over my condition. Don’t worry, I am doing ok and contrary to popular belief, I am home on self-quarantine,” ayon kay Marcos.

Kumalat sa social media na kasalukuyang intubated umano si Marcos sa St. Luke’s Medical City sa Bonifacio Global City dahil nagpositibo sa coronavirus 2019.
Pinabulaanan ito ng pamilya.

Ngunit, inamin ni Marcos na hindi maganda ang kanyang pakiramdam kamakailan kaya’t kaagad siyang nagpasuri sa mga dalubhasa at naghihintay ng resulta.

“Fortunately, I feel much better and am getting stronger by the day. I have no doubt in my mind that this is partly due to the excellent work of the nurses and doctors who helped me during this time,” giit ni Marcos.

Aniya, na-inspired at nagulat siya sa nakitang katapatan sa tungkulin ng mga health worker dahil sila mismo ang nasa frontline upang labanan ang pagkalat ng sakit.

“I am inspired and moved by the show of courage and commitment of our health workers. You are our true heroes in these most trying times. Thank you!!,” aniya.

“I am hoping and praying for everyone’s safety and good health. Please don’t let the sacrifices of health workers and other frontliners go to waste. Let us all stay home.”

“Again, thank you for your love and concern,” ayon pa sa dating senador. ESTONG REYES

147

Related posts

Leave a Comment