Pamamahagi ng food, cash aid ipinasa sa DSWD POLITIKO ‘DI PAPOPORMAHIN NI PDU30

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pangunahan ang pamimigay ng relief assistance sa mahihirap na mamamayan upang maiiwas ang mga lokal na opisyal na gamitin ang programa sa kanilang pamumulitika.

“Hindi po papayag si Pangulo na haluan po ito ng pulitika, gamitan ito ng patronage politics at hindi siya papayag na may palakasan dito sa mga politiko na mangyayari,” ayon kay IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Inakusahan kasi ni Pangulong Duterte ang ilang lokal na opisyal ng pang-aabuso sa pagpapalabas ng ayuda sa mamamayan na sakop ng Luzon-wide quarantine para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inanunsyo ng Pangulo na ang DSWD na ang mamumuno sa distribusyon ng relief assistance kasama si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., chief implementer ng national policy laban sa COVID-19.

Dahil dito, limitado na lamang ang Local government units sa pag-asiste sa distribusyon ng cash subsidy, kasama ang LGU personnel na pamamahalaan naman ng

Department of the Interior and Local Government, pulis at sundalo.

Tinatayang may 18 milyong low-income households ang target ng pamahalaan na makatanggap ng monthly emergency subsidy na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P8,000 para sa dalawang buwan gaya ng mandato sa Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act 11469).

Sinabi naman ni DSWD Director Irene Dumlao na ang departmento ay nagsimula nang mamahagi ng social amelioration card forms na gagamiting basehan para mabigyan ng ayuda ang isang pamilya na makikinabang sa emergency subsidy program. CHRISTIAN DALE

174

Related posts

Leave a Comment