Pagtugis sa hoarders, scammers ang unahin DEFENSOR SA NBI: STOP THIS STUPIDITY!

“WILL the NBI please stop this stupidity”.

Ito ang reaksyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaugnay ng paghahabol ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga taong tumutulong para labanan ang COVID-19.

Ayon kay Defensor, imbes na abalahin ng nasabing ahensya ang kanilang sarili sa pag-iimbestiga sa mga taong tumutulong sa mamamayan sa gitna ng krisis sa kalusugan ay dapat ituon na lamang ang kanilang sarili sa mga tiwaling negosyante na nagtatago ng medical equipments.

“They should run after hoarders of medical equipments such as masks, PPEs, gloves among others. They should run after those who hoard food waiting for prices to go up,” ani Defensor.

Bukod dito, kailangang habulin umano ng NBI ang mga nagkalat na sindikato na nanghihingi ng donasyon sa gitna ng paghihirap na ito ng mamamayan imbes na ang mga taong ginagawa lahat ng paraan para makatulong sa pagsugpo sa problema.

Ganito rin ang posisyon ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin.

Kung mayroon aniyang dapat tutukan ang NBI ay ang mga negosyanteng nagsasamantala sa gitna ng problemang kinakaharap ng bansa sa COVID-19.

Pahayag ito ni Garbin sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan ng NBI matapos hingan ng paliwanag si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa posibleng paglabag umano sa Republic Act (RA) 11469 o Bayanihan We Heal as One Act. BERNARD TAGUINOD

132

Related posts

Leave a Comment