TUMATAAS pa rin ang bilang ng mga naitatalang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos muling makapagtala ng panibagong higit 300 kaso sa ikalawang araw ang Department of Health (DOH).
Batay sa case bulletin ng DOH ngayong araw, may 380 na bagong nagpositibo sa COVID-19 dahilan para umakyat sa kabuuang 15,049 ang kaso nito.
Mula sa nasabing total, 10,639 umano ang active cases.
Ang bilang naman ng recoveries ay nasa 3,506 dahil sa nadagdag na 94 na gumaling.
Samantalang ang death toll ay 904 na matapos madagdagan ng 18.
Samantala, sa Calabarzon area ay nakapagtala ng 1,452 kaso.
Sa nasabing bilang, naitala sa Cavite ang 323 kaso, Laguna – 433, Batangas – 181, Rizal – 426 at Quezon – 89.
Sa bilang naman ng mga nasawi ay pinakamataas sa Rizal na mayroon nang 60, sinusundan ng Laguna – 34, Cavite – 29, Batangas – 23 at Quezon-8. D. ANIN
