300K RESIDENTE SA MANILA BAY PAAALISIN

manila bay

(NI BERNARD TAGUINOD)

TINATAYA sa 300,000 residente na nakatira sa paligid ng Manila Bay ang inaasahang mawawalis sa kanilang tirahan dahil sa rehabilitasyon na isasagawa ng gobyerno dito.

Ito ang nabatid kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, base na rin umano sa pagtataya ng kanilang kaalyadong Pamalakaya, hinggil sa dami ng mga residente na posibleng baklasin sa kanilang mga bahay sa Manila Bay.

Ayon kay Casilao, marami sa mga residenteng ito ay mangingisda kaya tumira ang mga ito sa tabing dagat kaya bukod sa mawawalan na umano ang mga ito ng hanapbuhay ay aalisin pa ang mga ito sa kanilang tirahan.

Sinabi ni Casilao na wala silang tutol sa rehabilitasyon ng Manila Bay subalit kailangang matiyak umano ng hindi lang basta-basta paalisin ang mga residenteng ito na walang maayos na paglilipatan.

Dahil dito, nais makatiyak ang mambabatas at ng kanyang grupong Makabayan bloc sa Kamara, na hindi mapapabayaan ang mga residenteng ito kaya humihingi sila ng masterplan sa gagawing rehabilitasyon.

Pangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang rehabilitasyon at anumang panahon ay sisimulan na ang paglilinis sa Manila Bay para maibalik umano ang ganda nito na napabayaan sa mahabang panahon.

 

157

Related posts

Leave a Comment