Sa kabila ng lumalalang problema sa basura sa bansa, tanging 30% ng mga barangay sa buong Pilipinas, o 12,614 sa 42,045 na mga baranggay, ang nagpapatupad ng ‘segregation’. Dahil dito, nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Win Gatchalian dahil hindi epektibo ang pinaiiral na ‘reduce, reuse, recycle’ (3Rs) waste hierarchy upang lutasin ang problema sa basura na kinahaharap ng ating bansa. “Nakadidismaya na pumalpak ang implementasyon sa bansa ng ‘3Rs’ dahil galing na mismo sa DENR na 70% ng mga basura sa buong Pilipinas ay tinatapon lang kung saan-saan,” ayon kay…
Read MoreTag: DENR
BAN SA SINGLE-USE PLASTIC IUUTOS NA NG DENR
MAGPAPALABAS ng kautusan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pag-ban sa single-use plastic sa bansa. Sa isang forum sa Taguig City nitong Huwebes, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na sa loob ng dalawang linggo ay ilalabas niya ang kautusan. Kasama rin ang pagre-recyle sa plastic sa ipag-uutos ang pagrecycle ng plastic. “We [DENR] are about to complete department order on [banning] use of plastic. I think within the next two weeks siguro [probably],” ani Cimatu. Ang kautusan ng DENR ay kasunod ng pagiging pangatlo ng bansa…
Read More1.7-B PUNO SA P39-B TREE PLANTING PROGRAM NG DENR, NASAAN?
(NI NOEL ABUEL) NASAAN na ang 1.7 bilyong puno? Ito ang hinahanap ni Senate Pre Tempore Ralph Recto sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan ang 1.7 bilyon na puno ay nakatanim sa dalawang milyong ektaryang lupain na pinondohan ng P39 bilyong tree planting program ng nasabing ahensya. Giit nito, malaki ang dapat ipaliwanag ng DENR lalo na at sa panukala nitong budget para sa susunod na taon para sa National Greening Program ay dodoblehin ito mula sa kasalukuyang pondo. “Sa ilalim ng proposed 2020 national budget,…
Read MorePRRC BINUWAG NA NI DU30
(NI CHRISTIAN DALE) TULUYAN nang binuwag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa nakitang bagsak pa rin ang kalidad ng Ilog Pasig. Sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 93 ay tuluyan nang nabuwag ang komisyon. Sa isang liham na may petsang Nobyembre 12 at naka- address kay PRRC officer-in-charge Assistant Secretary Joan Lagunda, nagsumite ang Pangulo ng certified copy ng EO 93, kung saan pormal na ipinag-utos ang “disestablishment of the Pasig River Rehabilitation Commission.” Sa ilalim ng EO 93, binigyang diin ni Pangulong Duterte…
Read MoreBARKONG NAKA-PARK SA PASIG RIVER PAAALISIN
(NI JEDI PIA REYES) IPINAAALIS na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang lahat ng mga barko na ilegal na nananatili sa Pasig River. Ayon kay Cimatu, pinuno rin ng Pasig River Rehabilition Commission (PRRC), marami siyang nakikitang ‘illegally berthed vessels’ sa Pasig River, gayong hindi naman ‘parking area’ ang ilog. Diin pa ng kalihim, hindi uubra ang walang permisong pag-dock ng mga vessel o barko sa Pasig River dahil isa ang mga ito sa nagpapadumi sa ilog at maituturing na ‘eyesore’. Inihalimbawa ni Cimatu ang ilang nakaparadang mga barko sa…
Read MoreGINA LOPEZ, 65
(NI KIKO CUETO) PUMANAW na si dating Environment secretary, at ABS-CBN Foundation chief Regina Paz “Gina” Lopez sa edad na 65. Sa pahayag ng ABS-CBN, sinabing namatay si Lopez dahil sa multiple organ failure. Kilalang environmental activist si Lopez at nagsilbi na chairperson ng ABS-CBN Foundation Inc (AFI). “Gina was the pillar of strength that pushed AFI to achieve what seemed to be impossible. Her caring heart and selfless kind of love inspired people within and beyond the organization to help and serve others,” sabi ng ABS-CBN sa pahayag. “While we…
Read MoreDENR SA MGA MAYOR: IDAMAY ANG ESTERO SA PAGLILINIS
(NI DAHLIA S. ANIN) NAGSAGAWA ng clean up drive sa Parola, Tondo, Maynila ang daan-daang volunteers at government agencies, sa pangunguna ng Department of Environment and National Reaources (DENR) na tinawag na “Tayo na sa Parola, Cleanup Operation”. Ayon kay DENR Assistant Secretary Corazon Davis, ang cleanup drive ay may layuning malinis ang 225 metro ng coastal area ng Barangay 275 sa Parola. Ito ang lugar kung saan nagtatagpo ang Manila Bay at Ilog Pasig na maraming basurang naiipon mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Maynila. Kaya naman nanawagan…
Read MorePYTHON SNAKE PAPUNTANG MALAYSIA, HULI SA LOOB NG SPEAKER
(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kargamento kung saan nakapaloob ang buhay na python snake, na itinago ng may-ari sa loob ng bluetooth speaker. Ang nasabing kargamento ay papuntang Malaysia at na-intercept ito ng mga taga-Customs pagdaan sa x-ray machine noong Mayo 5. Nabatid na umaabot sa 20 inches ang haba ng python at ayon sa mga ito umaabot pa ito hanggang 32 ang haba kung saan kaya nitong kumain ng tao o mga hayop na lumalapit…
Read MoreNAKAMAMATAY NA ‘SILVER CLEANER’ PINATATANGGAL SA MERKADO
(NI NELSON BADILLA) NANAWAGAN ang EcoWaste Coalition sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine National Police (PNP) na tanggalin ang lahat ng produktong panlinis ng mga alahas dahil nakamamatay ang nilalaman nitong kemikal. Idiniin ng EcoWaste na dapat ipatupad ang 2010 Joint Advisory ng DENR at Department of Health (DoH) na nagbabawal itinda ang mga produktong panlinis ng silver jewelry dahil naglalaman ito ng cyanide at iba pang nakalalasong kemikal. Nanawagan ang EcoWaste upang agad na kumilos ang DENR, at PNP makaraang mamatay ang 7-taong-gulang na si…
Read More