May namamatay kada 48-hours CEBU CITY EPICENTER NA NG COVID-19

MAY nakikitang pangangailangan sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbangin sa Cebu city dahil ito ngayon ang itinuturing na focal point o epicenter ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni National Task Force on COVID Chief implementer Carlito Galvez na mataas ang severe at critical cases duon na kung saan ay within 48 hours ay may namamatay na severe cases na aniya’y maituturing na alarming.

Sa ngayon ay 19 na barangay ani Galvez ang kanilang binabantayan at ginagamitan pa aniya nila ito ng drone at helicopter.

Sa kabilang banda, cooperative naman aniya ang mga barangay sa Cebu na pawang isinasantabi ang pulitika.

Samantala, ayaw namang i-preempt ni Galvez ang magiging anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung ano ang magiging quarantine protocol simula sa July 1 ngunit kailangan aniya talagang maghigpit pa sa siyudad ng Cebu na nasa ilalim ng ECQ. CHRISTIAN DALE

187

Related posts

Leave a Comment