QC COVID DEATH TOLL, UMAKYAT SA 233

NAKAPAGTALA ng apat na bagong namatay sa COVID-19 ang Quezon City.

Sa report ng Department of Health (DOH) hanggang Hunyo 30, may apat na bagong namatay sa siyudad na nagdala ng kabuuang bilang sa 233.

Ang kumpirmadong kaso hanggang sa nabanggit na petsa ay naitala sa bilang na 3,362, ayon sa ulat ng DOH.

Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso na may complete addresses sa Quezon City ay nasa 3,284.

Nakapagtala naman ng kabuuang bilang ng validated cases ang QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices, sa 3, 252.

May karagdagang 107 cases na naisama sa 3,145 reported cases noong Linggo kung kaya’t naging 3,252 ang kabuuang bilang ng validated cases.

Ang active COVID-19 cases ng lungsod ay nasa bilang na 1,041, habang may naiulat na 94 bagong nakarekober na nagdala ng kabuuang bilang ng recoveries na 1, 978.

Kasalukuyan namang ipinatutupad ang 14-day lockdown sa mga lugar ng Calle 29 sa Libis; Kaingin Bukid sa Apolonio Samson; #138 Ermin Garcia St. sa E. Rodriguez; #52 Imperial St., E. Rodriguez; bahagi ng King Christian St., sa Bagbag; Insurance St. Extension sa Sangandaan; Loan St., Alley 4 sa Sangandaan: #70 Mendez Road, sa Baesa, at Marytown (sapa) sa Loyola Heights simula noong Hunyo 30. (JOEL O. AMONGO)

169

Related posts

Leave a Comment