COVID-19 SA NCR HINDI BUMAGAL

IPINALIWANAG ng Malakanyang na nagsisilbing barometro ng pamahalaan sa pagdedeklara ng quarantine status ng isang lugar ang case doubling rate at ang critical care capacity nito.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, sa kaso ng Metro Manila ay maganda ang ipinakikita nito pagdating sa critical care capacity dahil nasa 35% pa lamang aniya ang utilization average nito.

Nagkaroon lamang aniya ng problema ang National Capital Region sa case doubling rate nito dahil nananatili ito sa 7 days.

Aniya, sa nakalipas na dalawang linggo ay nagkaroon ng improvement ang doubling rate ng COVID-19 cases sa NCR dahil umakyat na ito sa 7 araw subalit may nagkaproblema dahil sa sumapit na lamang ang katapusan ng Hunyo ay hindi pa rin ito tumaas ng 10 araw.

Bago pa aniya kasi ibaba sa modified general community quarantine (MGCQ) ang isang area, dapat na bumagal o umabot muna sa sampung araw ang pagdoble ng kaso ng COVID-19 dito.
Sa pagkakataong ito aniya ay nabigo ang National Capital Region (NCR) na mapabagal ang bilang ng mga tinatamaan ng virus kaya’t nanatili pa rin ito sa GCQ. (CHRISTIAN  DALE)

120

Related posts

Leave a Comment