BANGSAMORO LEADERS KINONSULTA SA ANTI-TERROR LAW

TINIYAK ng Malakanyang na nakonsulta ang Bangsamoro leaders ng Anti-Terrorism Council sa pagpapatupad ng bagong lagdang batas na Anti-Terrorism.

Umapela kasi si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim na magkaroon ng “representation” ang kanilang rehiyon sa nine-man council.

Aniya, required ang Anti-Terrorism Council, sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na magsagawa ng konsultasyon sa mga lider ng BARMM, pero hindi nga lang umano full membership.

Ang council ani Sec. Roque ay binubuo ng national security adviser at mga kalihim ng foreign affairs, defense, interior, finance, justice, at information and communications technology, kasama ang executive director ng Anti-Money Laundering Council na siyang bubuo ng implementing rules and regulations ng bagong batas.

Magugunitang, una nang umapela ang mga lider BARMM kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-veto ang Anti- Terrorism Bill, dahil sa hindi malinaw na depenisyon ng terorismo, surveillance sa mga suspek, interception at recording ng communications at pagkulong nang walang judicial cause of arrest. (CHRISTIAN DALE)

411

Related posts

Leave a Comment