80-anyos na lola tumakas sa bahay para magsugal SOLON IPINASASARA ANG MGA SUGALAN

NANAWAGAN ang isang mambabatas mula sa mababang kapulungan ng Kongreso na parusahan at tuluyang ipasara ang mga establisimiyentong lumalabag sa panuntunan ng community quarantine.

Ang naturang kahilingan ay matapos makarating sa kaalaman ni Asst. House Majority Leader ACT-CIS Party-list Representative Nina Taduran na may ilang pasugalan ang nananatiling bukas lalo na ang mga VIP o private rooms para sa kanilang mga suking kliyente.

Nalaman ito ng mambabatas makaraang magreklamo ang pamilya ng isang 80 taong gulang na lola na tumatakas sa kanilang bahay kasama ang mga amigang senior citizen para magsugal.

“I received verified information that a casino in Metro Manila has been receiving customers, mostly senior citizens, despite the order to remain closed under the general community quarantine. These customers are touching chips and cards and slot machines, unmindful of the probabilty of catching COVID-19. They won’t be there exposing themselves to the risk of the virus if the gambling establishment is not open,” ani Taduran.

Sinabi ng mambabatas na naiintindihan niyang nais lang ng mga taong maglibang sa harap ng stress dahil sa pandemya pero maaari naman aniya itong gawin sa bahay kasama ang pamilya. Hindi aniya dapat na pinalalabas ang matatanda at pinapayagan sa mga pampublikong establisimyento kung hindi kinakailangan sa panahong ito.

sa mga casino at iba pang pasugalan, ang mga binabawalang magsagawa ng operasyon sa panahon ng GCQ ay ang mga sumusunod: children’s amusement industries (toy stores, playgrounds, at playrooms), cultural centres tulad ng museums, gardens, and libraries, tourist destinations tulad ng beaches, water parks and resorts, travel agencies, personal care services na kinabibilangan ng spas, saunas at waxing salons.

Gayundin ang gym at fitness studios, cinemas, theatres at karaoke bars, pubs, nightclubs at beerhouses. (CESAR BARQUILLA)

140

Related posts

Leave a Comment