PANIBAGONG MOLECULAR LAB SA BATANGAS, BINUKSAN

KAYA nang sumuri ng 32,000 samples kada araw ang Philippine Red Cross sa Batangas City dahil binuksan na ang pinakahuling molecular laboratory nito sa nasabing siyudad matapos aprubahan ang accreditation nito bilang

coronavirus disease 2019 or COVID-19 testing center ng  Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon kay Senador Richard Gordon, ang pasilidad ay mayroong apat na RT-polymerase chain reaction (RT-PCR) machines na maaaring sumuri ng pinagsanib na 4,000 tests isang araw, ang pinakamalaking testing capability sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) region at maaaring sakupin ang kalapit lalawigan.

“We are glad to have this laboratory up and running because more people should get tested. Testing is the key to get our economy going again and this is more so, here in Batagas and in the whole region, with its different economic zones, techno-parks, industrial zones and others,” aniya.

Ipinaliwanag ni Gordon na sa pamamagitan ng testing, maihihiwalay ang carriers ng virus mula sa negatibo at tuluyang mapigilan ang pagkahawa. Makababalik din ang mga tao sa kanilang trabaho pagkatapos ng testing.

Bukod sa Batangas City, binuksan din ng PRC ang molecular laboratories nito sa dating national headquarters sa Port Area, Manila, na maaaring sumuri ng 14,000 test isang araw; Subic at Clark, 6,000 tests at dalawa sa headquarters

sa Mandaluyong, na maaaring gumawa ng 8,000 tests isang araw. (ESTONG REYES)

238

Related posts

Leave a Comment