PRIVATE SCHOOLS AYUDAHAN PARA HINDI MAGSARA

KAILANGAN nang ayudahan ng gobyerno ang pribadong paaralan na napipintong magsara dahil maraming estudyante ang lumilipat sa pampublikong paaraalan sanhi ng pananalasa ng corona virus

disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon kay Senador Sherwin “Win” Gatchalian.

Sa pahayag, binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng suporta ng pamahalaan sa pribadong paaralan, lalo na’t wala pang dalawampu’t limang (24.3) porsyento sa mahigit apat na milyong nag- enroll noong nakaraang taon ang nagpa-enroll sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto.

Umabot sa mahigit dalawampung milyon (20,220,507) ang bilang ng mga nagpa-enroll noong Hulyo 15, ngunit mahigit isang milyon (1,050,437) lamang sa mga ito ang papasok sa mga pribadong paaralan.

Mahigit tatlong daang libong (323,524) mag-aaral din mula sa mga pribadong paaralan, state at local universities and colleges (SUCs at LUCs) ang lumipat sa mga pampublikong paaralan.

Nilinaw naman ng DepEd na patuloy pa rin ang enrollment sa iba pang mga pribadong paaralan dahil iba ang kanilang sinusunod na kalendaryo.

“Dapat ipagpatuloy ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng mga programang tulad ng Senior High School Voucher Program o SHS VP at ng Education Service Contracting (ESC) upang hindi maantala ang pag-aaral ng kabataan habang binibigyan ng tulong ng gobyerno ang pribadong paaralan na apektado ng lockdown,” aniya.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na kuwalipikadong senior high school learners ang mga benepisyaryo ng SHS VP mula sa private o non-DepEd school na nakatatanggap ng mga voucher bilang ayuda.

Nanindigan din si Gatchalian na kailangan bigyan ang mga guro at kawani ng agarang tulong pinansiyal upang manatiling bukas ang mga pribadong paaralan.

Kaya naman ayon sa senador, prayoridad ang pagpasa sa Bayanihan to Recover As One Act (Senate Bill No. 1564) o Bayanihan 2.

Ayon pa kay Gatchalian, dapat makipagtulungan ang mga pribadong paaralan sa pamahalaan at iba pang mga sektor upang mahikayat magpa-enroll ang mga mag-aaral na nanganganib tumigil sa pag- aaral at masigurong walang estudyante ang maiiwan. (ESTONG REYES)

107

Related posts

Leave a Comment