Ayon sa COA at internal auditors PHILHEALTH ANTI-FRAUD PROJECT, P98-M ‘OVERPRICED’

TUMATAGINTING na P2.1 bilyon ang kabuuang halaga ng proyekto ng Philippine Health Insurance

Corporation (PhilHealth) na ang layunin ay masugpo at mawakasan na ang malaganap na

katiwalian at korapsyon sa ahensiyang ito, ngunit nadiskubreng “overpriced” ng P98 milyon ang

proyekto.
Ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA) at mismong PhilHealth Internal Auditors, nadiskubre

ang P98 milyon sa P734 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng mga kagamitang bibilhin ng

PhilHealth na bahagi ng P2.1 bilyong proyektong information technology (IT) nito.
Nabanggit sa ulat na ang adobe software na P168,000 ang presyo bawat isang yunit ay naging P21

milyon kada isa sa hinihinging badyet ng ahensya.
Lumalabas na 12,400 porsiyento ang itinaas ng PhilHealth sa orihinal na halaga ng adobe software,

banggit sa parehong ulat.
Ang isa pang matinding presyo ay ang ginawang P40 milyon na “application servers and licenses”

mula sa orihinal na P25 milyon, ulat ng internal auditors.
Ang IT project na ito ang paksang nagpainit ng ulo ng mga opisyal ng PhilHealth na nauwi umano

sa sigawan sa kanilang pulong nitong Hulyo 22.
Ang milyun-milyong perang pinag-uusapan sa nasabing pulong ay naging dahilan ng pagbibitiw

nina Atty. Thorrsson Montes Keith, legal officer ng PhilHealth Anti-Fraud Division at Bai Laborte,

head executive assistant of PhilHealth President and Chief Executive Officer Ricardo Morales.
Tinukoy ni Keith sa kanyang resignation letter kay Morales na ang “widespread corruption” ang isa

sa mga dahilan ng kanyang pagbibitiw. Ang isa pa ay ang palpak na sistema ng promosyon.
Sa hiwalay na panayam ng media kay Keith, tinumbok nito na maging ang bagong latag na Interim

Reimbursement Mechanism (IRM) para sa paglalabas ng perang ipantutulong sa mga pagamutang

mayroong “opisyal” na akreditasyon sa PhilHealth ay naging “source” din ng korapsyon.
Ani Keith, pinayagan ni Morales ang paglalabas ng PhilHealth ng milyun-milyong pondo kahit

walang liquidation na maihahambing sa intelligence funds na hindi kailangan ng resibo.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, mayroong mga ospital sa dalawang rehiyon ang nakatanggap ng

P247 milyon at P196 milyong pondo kahit hindi PhilHealth accredited ang mga ito.
Idiniin ni Keith kamakalawa na katulad ng “mafia” kung magdesisyon at umaksiyon ang PhilHealth

executive committee na pinamumunuan ni Morales.
Mula sa pagiging retiradong heneral sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay naging pinuno ng

PhilHealth si Morales noong Hulyo 2019.
Ang gustong mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte nang italaga niya si Morales ay matigil ang

malalang katiwalian at korapsyon sa PhilHealth. (NELSON S. BADILLA)

133

Related posts

Leave a Comment