LOTTO MAGBABALIK SA AGOSTO 4

MAGANDANG balita sa mga suki ng lotto ang anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na papayagan na muling magbukas ang kanilang mga lotto outlet sa Agosto 4.

Ayon kay Royina Garma, general manager ng PCSO, babalik din sa dating presyo na P20 kada taya ang lotto tickets.

Magkakaroon naman ang ahensiya ng “catch up” draws sa mga lotto tickets na nabili bago ang lockdown noong Marso 17.

Dagdag ng opisyal, papalo sa halagang P304 milyon ang jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58.

Samantala, tiniyak ng PCSO na mahigpit ding ipatutupad ang mga pag-iingat sa proseso ng pagtaya para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nabatid na umabot sa halos P9 bilyon ang lugi ng PCSO dahil sa halos apat na buwang tigil- operasyon.

Positibo naman ang ahensya na mababawi ang kanilang pagkalugi at babalik ang dating kita pagsapit ng Disyembre o Enero sa susunod na taon. (DAVE MEDINA)

180

Related posts

Leave a Comment