CoCs NG BOL PLEBISCITE NASA COMELEC NA

coc

(NI MITZI YU)

NASA kamay na ng National Board of Canvassers (NBC) ang lahat ng certificates of canvass (CoCs) sa idinaos na plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa ilang bahagi ng Mindanao.

Alas 11:32 Biyernes ng tanghali nang dumating sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila ang ballot box mula sa Regional Plebiscite Board of Canvassers sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM)  tatlong oras bago simulan ang opisyal na canvassing ng mga boto.

Nakalagay dito ang isang envelope na may lamang CoC mula sa nasabing rehiyon at ang statement of votes ng lalawigan.

Idinaos ang unang yugto ng plebisito para sa ratipikasyon ng BOL sa mga lalawigan ng ARMM tulad ng Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu at Tawi-Tawi.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na naitala sa Maguindanao ang pinakamalaking bilang ng mga bumoto dahil sa nakuha nitong 93.35%  at sinundan ng Lanao del Sur na mayroong 92.56% voter turnout.

Samantala, pansamantalang natigil ang unang araw ng canvassing ng mga boto noong Huwebes matapos ibunyag ni Cotobato City election officer Rommel Rama na marami silang nakitang maling entry sa numero ng mga botante bunsod na rin umano marahil sa pagkakamali ng ilang miyembro ng plebiscite committee o Board of Election Inspectors.

159

Related posts

Leave a Comment