Nadagdagan ng 4 deaths COVID CASES SA QC, PUMALO SA 7,647

NAKAPAGTALA ng apat na panibagong namatay ang Quezon City sa COVID-19, ayon sa media bulletin ng lungsod noong Agusto 8.

Dahil dito, ang siyudad ay mayroon nang 317 kabuuang bilang ng mga namatay sa coronavirus diseases.

Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang noong Agosto 8, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa Quezon City ay umabot na sa 7,647.

Ang kabuuang bilang naman ng kumpirmadong kasong may complete addresses sa siyudad ay nasa 7,572.

Nakapagtala naman ng kabuuang ng validated cases ang QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices sa bilang na 7, 546.

May karagdagang 78 cases na naidagdag sa 7,468 naiulat na kaso noong Sabado na nagresulta ng kabuuang bilang na 7,546 validated cases.

Ang active COVID-19 cases ng Lungsod ay naitala sa 2,345.

Isinailalim naman sa special concern lockdown dahil sa mataas na bilang at clustering ng COVID-19 cases ang ilang lugar sa nasabing siyudad.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Sitio Ruby sa Fairview; 5A Cenacle Compound sa Culiat; Mariveles St. sa Paang Bundok; 238 Mayon Ave. sa Maharlika; 85-91 Gumamela St., 1-3 Umbel St. sa Roxas; #950 Interior, Aurora Blvd. sa Mangga; 113 Kamuning Road sa Kamuning; Sitio Ambuklao sa Baesa, at bahagi ng Sitio Cabuyao 6A sa Sauyo. (JOEL O. AMONGO)

131

Related posts

Leave a Comment