PANELO KAY BISHOP PABILLO: MAGDASAL KA NA LANG

TILA pinayuhan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Manila Bishop Broderick Pabillo, na huwag nang makisawsaw sa politika.

Ang panawagan na ito ni Panelo ay matapos ihayag ni Pabillo, sa kanyang homily sa isang misa sa San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City noong Linggo na nakalukungkot na mas pinag-uukulan ng pansin ng pamahalaan ang death penalty at hindi man lamang nagpapakita ng kapani- paniwalang pamamaraan at hakbang para tugunan ang patuloy na umaakyat na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Bilang tugon, nagbigay ng quote si Panelo at ito’y mula kay Pope John Paul II: “You are priests, not social or political leaders. Let us not be under the illusion that we are serving the Gospel through an exaggerated interest in the wide field of temporal problems.”

Aniya, mas makabubuti kay Pabillo at sa iba pang miyembro ng simbahan na ituon ang sarili sa pagdarasal.

“Siguro concentrate nalang kayo sa pagpapagaling ninyo at saka yung mga pagdarasal ,” ayon kay Panelo.

Noong nakaraang buwan, isiniwalat ni Pabillo na siya ay nagpositibo sa COVID-19 pero isang asymptomatic.

Ani Panelo, ang mga church leader ay kailangan din pinaaalalahanan ang publiko na i-obserba ang quarantine protocols gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face masks at face shields at
madalas na paghuhugas ng kamay.

Nauna rito, inakusahan ni Panelo ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ginagamit ang kanilang relihiyon para impluwensiyahan at i-presyur ang Korte Suprema na
magdesisyon laban sa Anti-Terrorism Act of 2020. (CHRISTIAN DALE)

125

Related posts

Leave a Comment