NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na pumanaw ngayong umaga sa edad na 80.
“We condole po with the family of Chair Brillantes and of course, he serves the nation well when he was the chairman of the Comelec. Our condolences po,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, kinumpirma ni Comelec spokesperson James Jimenez ang pagpanaw ni Brillantes ngayong araw ng Martes, Agosto 11, tatlong araw bago ang kanya sanang 81st birthday sa Agosto 14.
Noong Hulyo 25 nag-post sa kanyang Facebook ang anak ni Brillantes na si Zeena na “day 11” na ng pagkakaroon ng COVID-19 ng kanyang ama.
Iyon naman ang unang araw na kinailangang i-intubate ang dating Comelec chairman.
Hulyo 18 nang madala sa Medical Center Manila si Brillantes matapos makaranas ng lagnat mula Hulyo 16. (CHRISTIAN DALE)
