‘BAKUNA DOORS’ NG DOH 4-A LABAN SA POLIO UMARANGKADA

LAGUNA – Muling nagbahay-bahay upang magbigay ng bakuna laban sa polio ang DOH Calabarzon sa mga batang edad 5-anyos pababa.

Tinawag nila itong “Bakuna Doors,” isang house-to-house campaign ng DOH 4-A upang mas mapadali ang pagkakaloob ng polio vaccines sa mga bata sa gitna ng umiiral na modified enhanced
quarantine (MECQ) sa lalawigan.

Ang sakit na polio o poliomyelitis ay isang nakakmamatay na sakit na madaling kumalat at maaaring maging epidemic kung hindi bibigyan ng tamang lunas.
Karaniwang itong ibinibigay sa 2-rounds na bakuna sa mga sanggol may edad 0 hanggang 59 buwang gulang.

Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, Regional Director ng DOH CALABARZON, “We have to see to it that all target children will be vaccinated because we cannot afford another outbreak during a
pandemic. Hindi na kakayanin pa ng ating health system dahil ngayon pa lang ay exhausted na ang ating mga health worker sa pag-aasikaso sa ating dumaraming COVID patients”.

Matatandaaan noong nakaraang Setyembre 2019, isang 5-anyos na bata ang nagkaroon ng polio virus sa Laguna at makaraan ang 19 taon ay naging polio-free na ang bansa.

“Kaya nakikiusap kami sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra polio dahil ito lang ang natatanging proteksyon nila laban sa sakit. Ito ay ligtas at epektibo. Sa mga hindi pa nabigyan ng bakuna ay maari ninyo itong ipaalam sa inyong mga barangay health workers upang kayo ay mapuntahan at hindi na kayo lumabas pa ng inyong mga bahay,” dagdag pa ni Janairo.

Pinaaalahanan din niya na huwag matakot o mag-alala ang mga magulang dahil ang ating mga health worker ay sumusunod sa COVID-19 protocols at nakasuot ng protective gears para maiwasan
ang close contact sa mga bata.

Simula Agosto 12, nabakunahan na ang halos 201,646 bata sa Laguna at target nila ang hanggang 306,670 bata na mabakunahan.

Tapos na silang magbakuna sa mga bata sa mga bayan ng Calauan, Lumban at Binan City.

Magsasagawa pa sila ng “Bakuna Doors” sa darating na mga araw. (CYRILL QUILO/SIGFRED ADSUARA)

157

Related posts

Leave a Comment