IBINASURA ng Sandigan ang mosyon ni Cebu Representative Gwendolyn Garcia na idismis ang kanyang kaso sa umano’y maanomalyang pagbili ng 25-ektaryang lupa noong gobernador pa siya.
Sa resolusyon, bumoto ang second division ng 3-2 sa pagresolbang kumokontra sa apela ni Garcia dahil sa kakulangan ng merito.
Si Garcia ay lumabag sa anti-graft and corrupt practices at kinasuhan ng malversation dahil sa pagbili sa 24.92 Balili property sa Tiga-an, Naga Cebu noong 2008 para sa sinasabing human settlement and seaport project.
Binili umano ang beachfront lot ngunit napatunayan ng Department of Environment and Natural Resources na ang 19.67 ektarya ay lubog sa tubig at hindi maaari sa planong proyekto.
176