BENEPISYO NG PAGLIGO SA ULAN

(ni Ann Esternon)

Anoman ang ating edad, mayroon talaga sa atin na gustong-gusto ang tubig-ulan  – nagpapakabasa o naliligo rito ito dahil may benepisyo itong taglay sa atin.

Pero alam ba ninyo na hindi rin basta-basta ang pagligo sa ulan dahil may mga bagay na dapat ikonsidera bago ito gawin? Bago maligo sa ulan, alamin muna ang lagay ng panahon lalo na kung makidlat o talagang may bagyo.

Sa kabuuan, ang pagligo sa ulan ay sinasabing ligtas dahil ang ulan ay naturally soft at may less mineral ito kumpara sa hard water (mula sa dagat, ilog, balon, gripo, at iba pa).

Ang tubig-ulan ay soft water kung tawagin dahil hindi ito dumaan sa mga bato, ilog at iba pa na maaaring makahakot ng asin at minerals.

Nasa pag-aaral din na ang pagligo sa ulan ay nakatutulong upang mabawasan ang stress na ating dinadala

ULAN, SAFE BANG INUMIN?

Sa pag-aaral, safe na inumin ang tubig-ulan. Mas mababa rin ang mineral content nito kumpara sa public drinking water supply.

Ang tubig-ulan ay purong tubig at may pinakamababang lebel ng polusyon, pollen at iba pang contaminants kumpara pa rin sa public drinking water supply. Pero siyempre may mga bagay pa ring

dapat ikonsidera kung dapat bang inumin ito.

Kung ang tubig-ulan ay dumaan pa sa bubong, dahon ng halaman o puno, mga gusali at iba pa, hindi nirerekomendang inumin ito dahil posibleng mayroon ditong kemikal, dumi, o anumang toxic

na hindi makabubuti sa ating kalusugan.

Iwasan din ang uminom ng tubig-ulan kung ito ay malapit sa radioactive sites, chemical plants o factories.

Payo ng mga eksperto kung iinom o gagamitin sa pagluluto ang tubig-ulan ay mainam na pakuluan muna ito at i-filter.

Benepisyo sa pag-inom ng tubig-ulan


– mabuti sa panunaw ng tiyan at taglay nito ang alkaline pH na may detoxifying effect

– dahil sa pH level, maganda ito sa pagmamatina ng moisture ng balat. Nakalulusog ng buhok at kutis.

– mababa sa mineral content kumpara sa public drinking supply na mataas sa flouride at chlorine upang mamatay ang germs sa tubig. Kapag sobra ang dami ng minerals, nagiging daan naman ito sa pananakit ng ulo, pagkakaroon ng gastritis, at nakasisira ng body organs.

Iba pang benepisyo ng ulan
– ang amoy ng ulan na tinatawag na petrichor ay nakababawas ng stress
– kapag tayo ay nasa ulanan mas nakakakuha tayo ng sariwang hangin
– ang pagligo sa tubig-ulan ay nakasusunog ng calories at taba sa katawan

316

Related posts

Leave a Comment